Select Page

Dibidendo o Dividends

Ang dibidendo o dividends ay pamamahagi ng kita ng isang kumpanya sa bawat shareholders nito (mga taong bumili ng stocks). Ito ay maaaring ibahagi sa pamamagitan ng salapi o karagdagang stocks sa kumpanya.

Ang iskedyul ng pamamahagi nito ay nakadepende sa kumpanyang inyong binili. Ito ay kailangang pagpulungan ng lahat ng Board of Directors ng isang kumpanya.

Ito ay isang paraan kung paano tayo kikita sa stock market. Tatalakayin naman natin ang isang pang paraan kung paano tayo kikita dito.


Paano tayo kikita sa pagtaas ng presyo ng ating stocks na binili?

Para lubusan itong maintindihan, narito ang isang halimbawang may ilustrasyon.

Unang senaryo:

Nais mong mamuhunan sa stock market. Ikaw ay mayroong 5,000 piso. Nais mong bumili ng shares ng ABC (halimbawang kumpanya).

Ikalawang senaryo:

Makalipas ang 3 buwan, nalaman mong tumaas na ang presyo ng shares ng ABC. Nais mo na itong ibenta sa kasalukuyang presyo (8 piso kada share).

Ikatlong senaryo:

Gusto mong malaman kung magkano ang iyong kinita sa 3 buwang pamumuhunan sa ABC.

Ayon sa halimbawa, ikaw ay kumita ng 3,000 piso sa loob ng 3 buwang pamumuhunan sa ABC. Ito ang paraan kung paano maaaring kumita sa stock market.

Babala: Ang pagtaas o pagbaba ng presyo ng stocks ay nakadepende sa kasalukuyang sitwasyon ng isang kumpanya, lagay ng ekonomiya ng Pilipinas, at marami pang iba.