Select Page

Ang bawat isa ay may iba’t-ibang paraan kung papaano maglista ng badyet. May mga taong gumagamit ng bolpen at papel. Mayroon ding gumagamit ng spreadsheet kagaya ng Google Sheet. At may mga tao rin naman na ginagamit ang teknolohiya sa pamamagitan ng pagdodownload ng mga budgeting apps sa kanilang mga smartphones.

Ang blog post ko ngayon ay tungkol sa isang budgeting software na aking personal na ginagamit. Handa ka na ba?

YNAB (You Need A Budget)

Ito ay isang budgeting software na gumagamit ng prinsipyo na “Give Every Dollar a Job.” Sa madaling salita, kailangan mong i-badyet ang bawat perang inilalagay mo rito.


 

Sila ay nag sasagawa ng mga libreng webinar kung papaano gagamitin ang kanilang software. Gusto mo ba itong subukan?
 
 
 
 
Anuman ang iyong paraan ng pagbabadyet, ang pinakaimportante ay ang pagsunod dito. Kung may mga panahon na ikaw ay lumilihis sa iyong badyet, huwag kang mabahala sapagkat ito ay nangangailangan ng matinding disiplina sa sarili.
 
Paano mo hina-handle ang iyong pagbabadyet?